Ifoundme's Weblog

my own world… my own words…

award awardan

with 11 comments

Oo na! Nagbablush na ako ngayon. Feeling ko kasi ako talaga ang nagwagi. Feeling ko talo ko si La Aunor at Tita Vilma sa award awardan. Feeling ko ang important ko sobra sa mundo ng blogosphere! Feeling ko na grand slam ko ang award na ito! I can really feel it! teka, over na ako.

Unang una, nagpapasalamat ako kay Brother Utoy, Mareng Geisha and GMAComics for giving me this award. Pangalawa, dahil di rin ako madamot, minabuti kong ishare ang award na to sa 15 tao. Oo, hindi 10. 15 talaga! Sayang! gusto ko sana 50 kaso di na kaya ng powers ko.

lemonade-award

Kaya here are my 15 awardees:

GEISHA – my soul sister. what can i say? i love geisha and i hope geisha loves me too (kasi naman ginawa akong miss bacolod 2005). bwahahaha! I don’t know how our friendship started but i know that it is well founded. Nung dapat magkita kami i forgot to text him at medyo nakonsensya ako. Nag-effort talaga ako bumawi sa kanya at baka magtampo ng bonggang bongga. hahahaha! we had coffee together in greenbelt at kahit first time lang kami nagkita eh feeling close na kami. Eh pano naman hindi? Sabay kami nagguy watching. mas mabenta nga lang sya kesa sakin no! Nagmukha akong yaya niya! Seriously, Geisha never fails to make me felt loved (teka, i sounded sawi ah!) at sya ang matinding guni guni ko kapag ako ay mag-isa at nag-iisip. Bakit? Parati ko kasi binabalikan ang mga conversations namin and everything makes sense when he explains something to me. Geisha has class but my mare unassuming. His core values are quite intact that you can’t just easily shake his stance in anything he believes. That’s why i admire him. When I grow up, I want to be like Geisha. hehehe! hwag ka rin pumalag! MAGANDA TLAGA TAYO, MARE! And guys, itatayo nya rin ang bandera ng Pilipinas soon. Paano? watch out Manhattan! Geisha is coming to town!

BLUEPANJEET – If there’s someone who can blackmail me if he wishes to, si Bluepanjeet yun. bakit? eh we can talk for hours.i even shared some secrets with him but he never gets tired in understanding me. (patay ka sakin, Bluep, pagmalaman nila! hahahah!) Like Geisha, parang natakot ako nun pumunta sa blog nya kasi parang ang tindi… hindi ko alam kung didirecho ako sa impyerno sa mga nababasa ko dun o di kaya baka di mamamansin to kasi to the highest power talaga ang laman ng blog pati ang design. Buti na lang Mix kept on telling me that he’s nice. Well, sobrang nice nga kasi di man lang nagrereklamo kung sasabihan ko ng girly stuff. hahahahah! Honga pala… may pangblackmail din ako dyan. hahahaha! peace, Bro. I hope to see you soon too… Yaan mo. Aayusin ko na sked ko. Hihintayin ko pati yung 1 case of beer mo with mareng geisha.

MIXGLORIOSO- This guy was the first guy who took time to educate me about blogging. Sobrang pasensyoso pagdating sakin at kahit nagdidiscuss na kami about anything under the sun, hindi yan nawawalan ng idea na ikonek ang lahat sa katatawanan. hhehehe! This guy is a very nice guy kaya hwag niyong awayin ha, kasi ako abogado nyan. Alam nya na ang aking special talent kaya kahit may mga bagay kami hindi napagkakasunduan (meron ba, Mix), the friendship is still intact. I have to hand it to Mix for being a gentleman too. yihiiii! ginawan na talaga kita ng pedestal dito, Mix.

RIO - Aba! itong dentista na to hindi na talaga ako tinantanan nung una kaming nag-eexchange ng email about sa cotabato. Di ko talaga makalimutan kasi naghahanap pa yan ng signal dun at kung makahanap na, biglang mag-iisip kung itetext ba nya si CPA o hindi. bwahahahahah! Nagkita rin kami ni Doc Rio when I was in Manila kasi walang humpay na pagcoconference na ang ginagawa namin sa celphone kasama si Lalaine, Sundalo at Tapsiboy. Ang nakakatuwa pa nun kasi nung nagkita kami sa Trinoma, dinemo pa nila ni Lalaine ang pagkikita nila ni CPA at kung pano na rin nawala sa eksena si CPA. hahahaha! bukong buko na! hahaha! Seriously, ang bait nito. We share some thoughts about our personal lives at ang pinakagusto ko lang is that she will always think of what’s best for you. Ganun sya kabait.

LALAINE – She is Doc Rio’s best friend at isa sya sa mga nameet ko personally when I went to Manila. Ang bait din nito sobra at di ka talaga tatantanan sa kwentuhan kasi nga eh masaya naman talaga syang kasama. Ang dami rin namin serious talks and I’m glad that she is really doing okay pa rin. Hope to see you soon again, girl. :)

AMORGATORY – ahhhhh…. I can dedicate a whole blog for this girl. She is my constant companion at parang hindi ata kompleto araw namin kung hindi kami nag-uusap. Teka, pano nga ba kami naging friends? Eh pano naman nung nag-enrol ako for training in a hospital, she sat at the back with her friends while I was all alone minding my own business. I think naging close kami kasi nakita ko yung astig nyang stickername at ang pinakamatindi pa nyan eh pareho kaming mahilig sa mga graveyard shifts na mga duties. Makikipag-exchange kami sa iba para magkasabay kami ng duty pero ang ending pinaghihiwalay rin kami ng stations. Basta! Marami pang kwento! Nung panahon na sobrang lungkot ko, yan ay malungkot din. hahahahaha! bakit? kasi sa ganda (I wish!) namin na to, naiisip ng mga boyfriends namin na iwanan kami. anong ginawa namin? Inimprove namin lalo ang sarili namin. Hmp! luluhod din ang mga tala sa langit at maghihiwalay rin silang lahat! hahahahaha! yan ang motto namin ngayon.

GMACOMICS – he found me! he really found me! hahahaha! What can I say? He’s really cordial and patient with me. He likes sharing some ideas and thoughts about my photography skills and hmmmmm….. about something else too. He takes time in encouraging me about stuff i’m going through. In other words, this guy is a real good guy. Thank you, Jhum, for being there. You know what I mean. :) hehehe!

DONG – Oh my! everytime I see Dong’s name and blog, I can’t help but really giggle. Why? Because when we met, he was really very fun to be with at hindi talaga ako nailang. Ang bait nito sobra! What makes me giggle talaga is that ako pa ang hindi makaalala kung ano ang sasakyan naming jeep dito sa bacolod nung naglunch kami. As in nawawala ako at sya pa ang nakaalam kung ano sasakyan namin. hahahahaha! Can’t wait to see this guy again… Dong, kitaay ta da ha? magsunggod ko kung di ka pakita. And thanks for the magazine. I like it sobraaaa and you know why!

COOLWATERWORKS – i think we live in the same neighborhood but I’m not sure kung nagkita na kami nito. ano magagawa ko eh hindi ako tumatambay dito samin no? I was out all the time and if i’m not out, nakatutok lang ako sa MTV dahil yan ang paborito kong panoorin dati. Anyway, I’m sure nakita nyo na ang mahaba nyang comment sa isang entry ko. Ganun sya kabait in giving me just and objective C&C about my shots.

KAMOTENISTA – waaaaahhh!!! my resbak partner! I’m sure may mangyayaring kakaiba kung magkikita kami nito. Maraming sasabog na mga bombang kakaiba kasi maraming ideas yan kung pano maging gremlin in disguise. Hoy! balik ka na no! Nagpapamiss ka eh!

KAITH – Thanks to blogging I got to talk to this wonderful and sweet woman. What can I say? She’s really one cool mama! I hope we get to see each other soon! Cebu, here I come!!!! and well, those shops that customize shoes and sandals should be ready when we both storm them. hahaha!

REDLAN – Isang oras lang ang layo namin sa isa’t isa pero hindi pa rin kami nagkikita nito. Hindi rin sya tumitigil sa kakaremind na ako ang magiging asawa ni papa piolo kasi parati kong nakakalimutan yun. hahahaha! Magkikita rin kami nito kasi susugurin ko sya. Thanks for the friendship, redlan!

TAPSIBOY – ahhhh… mr. pornstar himself who still thinks/doubts if he’s a pornstar. LOL! He gets misunderstood sometimes but he’s really a good guy. You just have to have patience that’s longer than EDSA kasi mapipikon ka kung maiksi pa sa EDSA ang pasensya mo. hahahha! Thanks, Tapsi, for the friendship. Busy ka na ata eh….

BUFFY - si sundalo! sundalo talaga ang tawag ko dyan… sabi kasi begin with the end in mind so magiging sundalo talaga yan. Di nakakalimot yan na tawagin akong gaga kung biglang magseseryoso yan at hihirit naman ako ng kalokohan. Miss na rin sya namin at wish din namin na sana pagkatapos ng mga stints nya sa PMA eh bababa sya at magparamdam na rin samin. Hintayin ka namin, sundalo ha? we all miss you!

BROTHER UTOY - Di ibig sabihin last ka ay kulelat ka talaga ha? Ano nga yung sabi nila? Saving the best for last. Nagtatampo na ata ito kasi di ko sinagot yung batibot babes contest nya. eh pano naman kasi, Kuya, hindi ako makadecide. (palusot na!)  Anyway, like Kuya Bluepanjeet, you can discuss things with him without feeling bad. He tries to weigh things in such a way that when he writes them, you easily get the gist of what he’s trying to imply. Basta! magaling sya! Ito pa: Aside from he’s gwapito (na talagang pinaninindigan ni mareng geisha. peace mare!), I’m sure nobody will disagree with me when I say that he has a gwapito mind too. I can go on and on pero I don’t thin I have to elaborate pa kasi alam naman ng lahat how cool he is.  I hope though that he’s not that sad anymore in France. Di bale, Kuya. Sa pag-uwi mo dito at kung punta kayo dito sa Bacolod, ipapaluto ko yung favorite mong baticolon, isol at lukos. Isa pa pala, he likes bacolod. So whoever likes bacolod ay like ko rin. So like ko na si Kuya. (sipsip na ako! hahaha!). I can’t wait to meet this guy too along with Rev. Jhoen, Bro. Moi and Kuya Bluepanjeet. Puro kasi praises ang mga sinasabi ni Kuya Bluep about him eh. I’m sure he’s a really, really good guy. Salamat sa award, Kuya! Is it safe to see that I’ll see you soon? I hope!

Hwag magtampo ang iba dyan! Gagawa ako ng part 2 kung may time ako.

Written by ifoundme

November 21, 2008 at 2:57 pm

11 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. hmmmmmmmmmm…..

    mwahahaha! love you mare! tseh!
    sobra ka naman! hindi ka naman mukhang yaya nung nagkape tayo. ako nga tong mukhang pulubi! :D

    napakalalim ng award na to mare. parang counseling lang..hehehhe teka sorry di kita naabutang online today…. late kasi ako pumasok! hahaahhahah

    mare am so thankful we’ve crossed paths. i felt so honored to have you here in my heart (chozz). you will always be part of my reproductive system. (ano daw?)

    sana sa susunod na pagkikita, matutupad na ang isang case na beer ni bluep at magtagay tayo ng bonggang-bongga!

    love you mare… :*

    naku! kelangan matuloy yan. Kung di sisipot si Bluep, gigyerahin natin sya sa kanila. hmp! love you too, mare! Ganda natin no? (konti na lang at lalamunin na ako ng lupa dito! hehehe)

    Geisha

    November 21, 2008 at 5:42 pm

  2. :)

    sige, ipagkalat ninyong gwapo ako. di ko kayo pipigilan. hehehe…

    ang totoo nyan eh natatakot ako sa mga pinagsasasabi ninyo ni Geish tungkol sa akin. mamaya mag-expect ang mga tao, mukha lang naman akong tortugo. mas gwapo naman ng di hamak si tapsiboy kesa sakin.

    “He tries to weigh things in such a way that when he writes them, you easily get the gist of what he’s trying to imply.”

    kahit ako, di ko nakuha ibig mong sabihin neto. pero kung ano man yun, I am flattered all the same.:)

    salamat, IFM!!! salamat talaga.ü

    hahahahaha! kahit ako, Kuya, di ko rin naintindihan ang pinagsasabi ko. yan ang nangyayari kung hating-gabi gumagawa ng mga ganito. hahahahha!

    brotherutoy

    November 21, 2008 at 9:38 pm

  3. wow, ang haba ng speech. kaya pala hindi kaya ng powers mo ang 50. baka aabutin ka ng new year niyan. hehehe. super piolo thank you mbeautiful girl sa award!

    hahahahahahha! piolo na naman?

    redlan

    November 22, 2008 at 10:21 am

  4. bwahahahaha ayoko mag comment at baka madulas ako. Basta IFM pupunta kami dyan nina mix at utoy haha. Hindi kita ibalackmail loko haha. ako pa naman? Madami na ata ako may pinagkakautangan ng isang case bukod kay geisha haha. Si buraot ata at si utoy may pangako din ako pati kay rev LOl.

    Basta ako, pag hinuhuli ko, palagi espesyal yun LOL Bwahahaha

    salamat sa walang umay na kulitan. alam ko naman na alam mo sitwasyon ko ngayon kaya di ako makapagbabad sa PC masyado pero hamo, gagalingan ko to (sshhhhhhh) at babalik din ako sa kwentutan natin.

    loko to! di nga ako binablackmail pero nilalaglag naman ako. bwahahaha! kaya nga 15 yan kasi marami kayong special sakin. masama pa ang loob ko nyan kasi 15 lang ang nagawa ko samantalang gusto ko 50. kaya lang 11pm ko na yan ginawa kaya imposible talagang matapos ang 50. hahahah! di ba halata sa sobrang daming errors dyan? hahaha!

    bluepanjeet

    November 22, 2008 at 2:10 pm

  5. Award na naman! Hehehe… Honestly, I am again honored… Thank you, thank you, thank you… :D

    Since dalawa na kayo ni Geisha ang nagtag sa akin, I am in a dilemma kung gagawad din ako ng awards, since it is out of my blog’s theme… At siguro, hindi 15, mas marami pa, kasi baka may magtampo… :)

    hahaha! at least you got awards… sige, beat the 15. I wanted to do 50 kaso i was so tired na. hehehe!

    coolwaterworks

    November 22, 2008 at 3:50 pm

  6. uy resbak partner thank you po sa tag na ‘to.

    natuwa ako!

    buti naman bumalik ka na… kmusta ang mission mo? na accomplish ba? hehe!

    kamotenista

    November 24, 2008 at 1:05 am

  7. my award pala ako dito…ahihi… maraming maraming salamat sis.
    salamat sa award at friendship..ang dami kong natutunan mula sa iyo at hindi ko na iisa isahin kung ano yung mga yun..

    mabait?? ahaha..mabait ako dahil ayokong ma sampulan ng 2k words per minute mo..joke lang..=}

    pwede bang sumama kina bluep at bro. utoy pag pumunta sila dyan sa bacolod???

    bluep, isama mo ako ha..may itatanong lang ako sa iyo tungkol kay IFM..tanong ko lang kung sino yung kanyang ultimate crush?? alam mo daw, e..ahihi..wink wink

    waaah!!! ang bad niyo ni Bluep! nilalaglag niyo ako! sama ka dito at iikot kita dito sa bacolod hanggang maligaw ka kung ibubuking mo ako. hahahaha!

    rio

    November 25, 2008 at 2:32 am

  8. [...] of course to Utoy, IFM, Libay, Geisha, Jorge and Boni, who awarded me this “lemonade Award” and “Blogger [...]

  9. abaw, abaw! awardee! hahaha. salamat chai. this should remind me to do my tags as well. haha. YM me ha when you’re coming na guid. i’ll be in negros, crossing my fingers, on december 27. if you’re available by then, we can meet up. EB na! haha.

    sige! let me know if makapuli ka gid di… that is if i won’t go to cebu also. hahaha! daw la chansa pagkitaay ta ya nga 2 haw!

    kaith

    November 27, 2008 at 1:50 am

  10. [...] of course to Utoy, IFM, Libay, Geisha, Jorge and Boni, who awarded me this “lemonade Award” and “Blogger [...]

    Acceptance Speech

    April 15, 2009 at 9:25 am

  11. [...] of course to Utoy, IFM, Libay, Geisha, Jorge and Boni, who awarded me this “lemonade Award” and “Blogger Buddy” [...]


Leave a Reply