ang sakin lang…
Posted by ifoundme on May 8, 2008
Seryoso to. Hindi mo kelangan basahin kasi para sakin lang to. Self talk ko to at kung basahin mo man, bahala ka. Titigil ka rin sa kalagitnaan.
Anong klaseng buhay to? Hindi ako nagrereklamo tungkol sa buhay ko. Wala akong problema eh. Ang ganda ganda nga ng buhay ko. Hindi ako pinapabayaan ng magulang ko at ang boypren ko naman eh wala ng ginawa kungdi magtrabaho ng magtrabaho.. pero bakit ganyan?Feeling ko kasi meron akong signage sa nuo na nagsasabi na DROP YOUR PROBLEMS HERE. OPEN 24 HOURS A DAY.
Pagkamulat ng mata ko sa umaga at tatayo pa lang eh sunod sunod na tanong ang sasalubong sakin as if ang susi ng lahat ng lahat ay hawak hawak ko. Pakainin niyo naman ako. Kahit hindi na pala. Hayaan niyo naman akong alisin muna ang mga muta sa mga mata ko. Tatrabahuin ko naman yan lahat eh. Pumipirma nga ako ng mga cheke na wala naman akong pera. Pirma ng pirma at di nag iisip na baka makulong ako. Kinakaya kong solusyunan lahat kasi alam ko may pamamaraan ng pagsolve ng problema at di naman ako tumitigil hanggat naayos ko. Ayokong nabibitin at alam niyo yan. Ang sakin lang, mabuhay naman kayo na wala ako.
May mga tao naman dyan na pwedeng utusan. Bakit ako pa ang gagawa eh mapagkakatiwalaan naman ang mga yan? Minsan nakakainis din naman na andyan na sa harapan ninyo ang solusyon, tatawagan niyo na lang, bakit ako pa tatawagin at ako pa gagawa? Bakit sakin pa itatanong lahat eh mukha ba akong internet na may depository ng lahat ng impormasyon?
Kayo naman mga tao. Binigay na lahat sa inyo, ba’t pa kayo nagrereklamo? Gamitin ang utak! Hwag ihirit sakin na walang solusyon kasi alam niyo naman na yang sagot na yan eh nagpapainit talaga ng ulo ko. Alam niyo naman na hindi enough na excuse para tuldukan na lang lahat. At please lang, kung tahimik ako, ibig sabihin ayokong magpadisturb, okay? Dakdak lang kayo dyan at wala akong pakialam basta’t yung resulta na gusto ko eh naibibigay kasi para naman satin lahat yan. At alam kong ilang beses kong sinabi na ipaglaban niyo ang mga bagay na tingin niyo ay nakakabuti para satin at hindi tayo naiisahan pero minsan bawas bawasan ang pagkasuplada ha? Ayusin niyo rin ang pananalita ninyo. Baka tayo masemplang nyan. Ang sakin lang eh, mag-isip at magkaron ng initiative. Hindi sa lahat ng panahon andito ako para sambutin kayo. Pagsinabing isulat, isulat talaga. Pagsinabing ireport, ireport talaga. Kaya tayo nag-aaway gawa ng hindi pagsunod sa mga rules and regulations dito. Kaya nagkakaproblema eh.
At ikaw naman kapatid. Ito lang ang masasabi ko sayo. Hindi pa tayo tapos mag usap. Galit ako kasi nasa tamang edad ka na para mag-isip kung ano ang tama at mali. Nilalagay mo ako sa sitwasyon na damn if you, damn if you don’t. tama ba naman yang tatahimik lang ako samantalang hinahayaan kitang sinisira ang buhay mo and at the same time nagsisinungaling ako sa kanila? Sasabihin ko sayo ngayon pa lang. hwag mo akong idamay dyan kasi malapit ng maubos ang pasensya ko. Hwag mong hayaan mawasak yang natitirang tiwala ko sayo kasi sa totoo lang, napag isipan ko ng hinding hindi ka na sambutin. Hindi mo kelangan magsinungaling sakin kasi mahuhuli rin kita. Alam mo kung gaano ako karesourceful at ikaw mismo nagugulat kung pano ako nakakakuha ng ebidensya at kung pano nagkakaron ng impormasyon. Porke’t parati kitang pinagtatanggol, pinapanatag mo na ang loob mo na sasambutin kita parati? Hwag kapatid. May hangganan lahat. Ang sakin lang, mag-isip at pahalagahan ang buhay at kung anong meron ka. Ang swerte mo nga eh. Kulang na lang kusina yang kwarto mo at may sariling bahay ka na. hindi pa ba sapat yun? Marunong pa rin naman akong sumipa kaya hwag mo akong subukan.
Ikaw naman uncle pabigat. Talagang kamot na lang ako ng ulo ko. Hindi pa ba malinaw?!? Hindi na kayo mayaman. Hwag ng mag-ilusyon ng kung anu-ano. Tingin mo ba nagmamanufacture kami ng pera dito tuwing nahohospital ka at nagdedemand ka pa ng kung anu-ano? At pag labas mo eh balik inom ka na naman… aba…. Abuso yan! Hwag mo akong sisihin kung bakit hindi kita binibisita sa hospital kasi ang sama ng loob ko sayo hindi mapapantayan. Lahat kami dito nagpapakapagod magtrabaho para may makain at ikaw nagpapakasarap lang. yan ang mahirap sayo. Iniisip mo kasi na responsibilidad ka ng tatay. Hindi nga eh! Matanda ka na! ayusin mo buhay mo. Pare pareho lang kayo ng share na nakuha nuon. Anong ginawa mo sa pera mo? Winaldas ninyo? Sino ba nagsabi sa inyo na tumira kayo sa hotel ng isang buwan eh may bahay naman kayo?!? Nakakainis sobra! At ngayon na ang dami mong sakit lahat na lang kami ang sasambot? Kami lahat magbabayad? At pagkatapos ano? Paglabas mo inom ulit. Eto ethyl alcohol ng matuluyan na. ang sakin lang.. magparespeto ka naman. Ayusin mo buhay mo.
Ikaw naman tita T., sino kasi nagsabi sayo na akuin mo ang responsibilidad sa pagpalaki ng mga apo mo? At ba’t di mo pa sinusuntok yang si kuya M. tang ina! Naka 3 anak na nga yan eh. At ngayon pupunta ka dito, uupo tayo para kumain maglalabas ka na kaagad ng problema. Tita, kakain din ako. Pati ba naman sa harap ng pagkain problema pa rin ang ngunguyain ko? Palayasin mo mga yan sabi ko sayo eh. Hayaan mong matuto. Lakasan mo ang loob mo kasi pano na kung wala ka na? san ang mga yan pupulutin? Tita, once and for all, bitaw. At kasama ng pagbitaw mo, tama na ang kakaisip sa problema kasi sa totoo lang hindi masarap ang pagkain pag-inuulaman ng problema. Di pa ba halata na kaya ako tumatayo kaagad kasi napapagod na talaga ako? At yang si kuya R., mas matanda pa yan sakin eh. Hayaan mo sya gumawa ng paraan para sa problema nya. Bat mo sakin kasi tinatanong ang lahat? Magkaiba naman sitwasyon namin. Iisipin nun kinokontra ko sya. Hwag mo naman gamitin ang pangalan ko at mga sagot ko. Ang sakin lang tita, hindi naman lahat pwede mong solusyunan… bitawan mo. At sa iyong pagbitaw, tama na ha… tama na ang paghalo ng problema sa pagkain. Nakakawalang gana talaga.
At ikaw naman pinsan kong Kuya M. pucha! 3 na anak mo. Nung nagpeprepare tayo ng kasal mo sakin ka nga lang di nagreklamo at kung ano ang sinasabi ko sinusunod mo. Tama ba naman yung pag awayan niyo pang lahat ang sapatos na susuotin mo sa kasal ninyo?!? Tama ba naman magkaladkaran pa tayo sa mall para lang ituro mo ang sapatos na gusto mo at ako na gumawa lahat? At ngayon naman eh tama ba naman yun na ako pa ang susundo sa mga anak mo sa school at ako rin magdadala sa arcade at restaurant para kumain? Ikaw naman eh naglalaro dyan sa computer magdamagan na parang walang responsibilidad at magyabang pa na tambay ka ng isang bar dyan? Kuya!!!!! Wake up! 3 na ang mga supling mo at puro lalake pa. baka yan ang bubogbog sayo balang araw. Kuya, alam mo bang dito pa tumatawag anak mo para magpatulong assignment? Kuya, alam mo ba nung nagalit ka nun na magkasama kami ng asawa mo na nag out of town eh kausap namin ang isang mayor para lang makahanap ng mapagkakitaan? Sabay sigaw ka naman sa telepono kung bakit di pa nasundo ang anak mo eh samantalang ikaw ang pinakamalapit dyan sa school nya. Kami nun eh 2 hours away pa. para tumahimik ka na lang eh tinawagan ko kapatid ko para sunduin ang anak mo. Pucha!!!! Kelan ka matuto ng di na rin ako guluhin sa mga kagaguhan mo? Hanggang kelan ako gugulatin ng mga tawag sa hating gabi o madaling araw o di kaya ng mga balitang parang sinasaksak ang puso ko sa mga pinaggagawa mo? Kuya naman.. ang sakin lang, mamulat ka na sa katotohanan na may mga responsibilidad ka na at gawin mo ang dapat mong gawin. Hindi lang ikaw ang problema ko at hindi naman kita dapat pinoproblema eh. Eto at nakakadagdag stress ka talaga.
Ikaw naman na asawa ni kuya M. san ba nakakabit yang kokote mo? Isang buwan mo ng hindi nakikita ang mga anak mo. Bat di mo pa pinupuntahan? Nirarason mong naghahanp ka ng pera pero ano ba tong narinig ko at iba naman ang pinag-iipunan mo? Nirarasanon mo lang ang mga anak mo! At galit na galit ako sayo kasi may panahon kang gumimik pero hindi mo mapuntahan ang mga anak mo. Anong klaseng ina ka?! Dati tatakbo ka samin kasi di kayo nagkakaintindihan ni kuya pero ngayon nakita ko na kung bakit. Selfish ka rin. Ang dami mong rasones! Ayoko na rin sumama sayo paglumalabas. Pag mainit ulo mo di ka nag-iisip na may kasama kang iba. Kung gusto mong ibangga ang kotse at magpakamatay, gawin mo mag-isa! Maayos ang buhay ko. Hwag mong sirain dahil lang sa mga bagay na walang kwenta. dati ang pagdepensa ko sayo eh sobra sobra. Dumating pa nga sa puntong galit na galit ang nanay mo at handa ka ng idisown. Pinapahiya ka sa harap ko at talagang hahampasin ka na ng kanyang sapatos pero talagang hinarangan ko. Sana man lang kahit sa ganyan binibigyan mo ng halaga. Tingnan mo naman ang mga bagay na meron ka. Yang nanay mo kulang na lang lumuha ng dugo para lang umayos buhay mo. Kapatid mo nga nagtatampo na kasi puro ikaw na lang inaatupag ng nanay ninyo. Ang sakin lang, harapin mo ang katotohanan na pareho kayo ni kuya may responsibilidad na. ayusin ninyo buhay ninyo… ang mundo hindi lang sa inyo umiikot. At pwede ba, may buhay rin ako. Tatanda akong dalaga sa ginagawa ninyo. Eh tang ina! Mas madalas ko pa ata kasama ang mga anak ninyo kesa kayo sa kanila eh. Sa totoo lang, ayoko ng marinig yang mga reklamo mo. Ayusin mo buhay mo. Alamin mo ang mga bagay na importante sayo kasi sa totoo lang, nakakapagod na paulit ulit lang yung naririnig ko mula sayo pero di niyo naman inaayos ang buhay ninyo. Sakin niyo pa ipapasambot lahat ng problema ninyo.
At ikaw kapatid ng nanay ko, sarap mong tusukin. Bakit ang tigas tigas ng ulo mo? At yung isang bagay na di ko maintindihan eh kaya mong sikmurain na nasasaktan ang mga kapatid mo at nanay mo sa mga pinanggagawa mo? Respeto naman! Hindi na kayo bata para mag akto ka ng ganyan. Ayoko sana dumating ang panahon na di ka na makapagsalita at di mo maexpress ang sarili mo at saka ka pa lang magsisisi sa mga pinanggagawa mo. Baka nakalimutan mong bedridden ang nanay mo at may mga nakasaksak na ngt at catheter yan. Kung ikaw nga nagrereklamo na ang mga gamot mo, sya pa kaya na ganyan ang sitwasyon? Di mo ba naisip yan? Mahirap bang harapin ang katotohanan? Kung ako binigyan ng chance makapagsalita, sasabihin ko lahat kung gaano ka kasama. Lalo na yang asawa mong lamok. Makakatongtong lang sa pwede nyang hatakan ng pera eh talagang pipigain. At pakisabi dyan sa mukhang pera among asawa, bring it on! Maghain ng kaso at haharapin namin. Tingnan natin kung hindi magboomerang ang mga pinaggagaawa ninyo. baka nakalimutan niyo. Administrador ka nga pero you are still obligated to do the accounting of the properties. Gusto niyong magbilangan na? ang dali dali lang gagawin yun. Pero hindi pa rin eh. Itong mga kapatid mo pinapahaba pa rin ang pasensya kahit sinasaksak niyo na ng sama ng loob. Hindi mo niyo ba naisip kung bakit 4 against 1? 5 against 1 nga eh kasi kasama ang lola dyan. At tito, sayong sayo na lahat yan. Saksak niyo sa mga baga ninyo. mamamatay rin naman tayong lahat at ni isa satin walang madadala sa mga pinagpaguran ng magulang ninyo at mga lolo’t lola ninyo. iiwanan din natin lahat yan. Baka nakalimutan ninyo. you reap what you saw. Sayo na yan lahat. Mukhang kayo may kelangan ng pera. Kahit ata bigyan kayo ng world bank ng isang nasyon ng pera eh kulang pa rin sa inyo eh.
At ikaw na asawa nya, napakasinungaling mo! Ginagawa mo ng alila yang mga anak mo para lang masunod yang kaprichuhan mo. For someone who haven’t worked her entire life, ang lakas ng loob mong magdemand. At talagang mataray ka. pati yung hindi sayo gusto mong angkinin. Sige, hakutin mo yang lupang hinahabol mo at sana sumaya ka dyan, gaga ka. Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit ganun ang mga anak mo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit minsan nasira ang buhay ng panganay mong anak. Iniisip mo lang ang sarili mo. At tita ha? Ang cheap mo! Ang cheap mo sobra! Buti na lang may laman yang cheke na inissue ko at yang bespren ko pa ang kumuha ng mga orders mo. Kung wala pala akong pera eh nagtalbugan ang cheke pati yung friendship namin ni bespren na more than 20 years na eh masira lang sa kagagahan mo. At kung makahatid ka dito ng mga kasinulanginan mo eh parang nakasalalay na ang buhay ng lahat. Yun pala eh bigla mong babaliktarin ang kwento mo. Senyales yan ng manipulator. You are a manipulator at talagang may dugong sindikato. Lapit ka dito at makikita mo ang hinahanap mo. Magkalimutan na tayo.
At ikaw naman JSO, tatawagan mo ako in the middle of the night para sabihin na lasing ka at tatanungin mo ako kung pano naalis ang kalasingan? Kung binagsakan man kita ng telepono, yun ay dahil hindi kita inutusan magpakalasing dyan at gigisingin pa ako para lang tanungin ang tungkol dyan. Itong linggong to punong puno ako ng trabaho at araw araw may sari-saring problema ako na hinahanapan ng solusyon na mas malala kesa dyan sa problem mong kalasingan!!! Kaya nakaon yang mga cellphones ko kasi for emergency purposes. Kung pwede lang na ioff ko yan para matahimik ang buhay ko, gagawin ko. Tapos tatawagan mo ako sa kalasingan mo?! Hindi cool, sa totoo lang.
Marami pa akong gustong ilabas pero okay na muna ito. At least gumaan ng konti ang pakiramdam ko. Please lang. hindi ako drop box ng mga problema at lalong wala sakin ang susi ng solusyon para sa mga problema ninyo. sa totoo lang, gusto kong gumising na hindi problema kaagad ang sumalubong sakin at hwag naman sana akong matulog na problema pa rin ang kaharap sa text. Napapagod din ako. Oo, alam kong hinahalintulad niyo ako sa lola sa lakas ng loob ko sa halos lahat ng bagay pero napapagod din ako. Please lang. ayusin ninyo ang buhay ninyo kasi ako nagsastrive akong maiangat ang buhay ko sa kung anong meron ako ngayon at talagang ang aking focus eh to maintain that stability in life. Matuto kayong magdasal. Hwag magrequest na ipagdasal kayo parang sinasabi niyo na naman na ako na naman ang gagawa nyan. Matuto kayong magdasal para sa sarili ninyo. pagod ako. I’m exhausted. at kahit meron pang akong isusuggest na pwedeng gawin sa buhay ninyo, pwede ba? tantanan niyo na muna ako. hindi sa lahat ng oras andyan ako para lang sumabot, makinig, maglecture at mag-isip para sa inyo. pano na kung wala na ako?
Ang sakin lang, napapagod din ako. Bahala na muna kayo sa buhay ninyo. malalaki na kayo. Hwag niyo na muna akong guluhin.
May 10, 2008 at 5:44 am
ano sis? gusto mo saksakin na natin sila ng hairpin na may kalawang ng mawala na sila dito sa mundong ibabaw?? lols
ikaw naman kasi eh.sobrang bait mo. ndi ko kino question ang kabaitan mo pero naman sis, may buhay ka rin naman na dapat mong asikasuhin..mukha namang nasa tamang edad na ang mga taong 2(yun nga lang parang “walang pinagkatandaan”..hehehe..sorry for the words..
Lagay mo na lahat sa recycle bin yang mga problema mo at i delete mo na din..hehehe
sya nga pala sis paki bigyan nga ng solusyon yung problema ko na…..hahahaha…lols…
relax lang sis..tumataas ang presyon mo e..may catapres d2..hehe
May 10, 2008 at 6:17 am
relaxed na ako sis… inilabas ko kay san miguel kagabi at todo to the max kasi strong ice pa. gumawa na ako ng resolusyon at di na kelangan ng hairpin na may kalawang…. pinindot ko na ang delete at pinakonconsider ko na silang SPAM. kusa silang idedelete ni mamang wordpress sa buhay ko… may password na pati kaya access denied kung magtangkang pumasok.LOL!